Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na wala nang dapat pang pag-usapan sila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Makaraang ituro si Velasco bilang nasa likod nang planong coup d’ etat laban sa kanya.
Pinayuhan ito ni Cayetano na magtrabaho na lamang sa halip na magsiraan at mag-intrigahan.
Kung tutuusin wala naman kasi aniyang dapat ikatakot si Velasco na hindi maupong speaker dahil mangyayari talaga ito kung ito nga talaga ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, bumuwelta naman si Cayetano sa mga reklamo na kung bakit hindi ibinigay sa House Committee on Energy na hawak ni Velasco ang pag-iimbestiga sa P100-bilyong utang ng mga power producer sa PSALM.
Iginiit ng lider ng Kamara na pinili ni Velasco na maging chairman ng House Committee on Energy pero tumanggi naman itong dinggin ang mga utang sa PSALM kaya pinahawak na lamang ito sa House Committee on Public Accounts at Good Government and Public Accountability.
Kung tinanggap lang daw sana ni Velasco ang alok niya dati pa na maging senior deputy speaker ay kasali din sana siya sa lahat ng nga pagdinig tulad ni Majority Leader Martin Romualdez.