Magtatatag ng panibagong komite sa Kamara si Speaker Alan Peter Cayetano na tututok sa mga flagship programs at projects ng administrasyon.
Sa interview kay Cayetano matapos na dumalo sa top level management meeting ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Tagaytay City, sinabi ni Cayetano na si Tarlac Rep. Charlie Cojuangco ang head nito.
Ayon kay Cayetano, ang magiging trabaho ng naturang komite ay hindi lamang batikusin kundi magpanukala rin ng mga hakbang kung paano mapapabilis at kung paano makakatulong ang Kongreso sa mga flagship programs at projects ng pamahalaan.
Ito ay matapos na sabihin ni Sen. Franklin Drilon na “dismal failure” ang Build, Build, Build Programs ng Duterte administration makaraang siyam lamang sa 75 flagship projects na under constrution ang halos patapos pa lamang.