-- Advertisements --

Dalawang posisyon lamang ang pinagpipilian ngayon ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano para sa 2022 elections.

Sinabi nito na kinokonsidera niya ang pagtakbo bilang pangulo ng bansa o ang reelectionist sa House of Representatives.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng haka-haka na baka tumakbo ulit sa pagka-bise presidente gaya noong 2016 na ka-tandem si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Cayetano na magsasagawa ito ng anunsiyo sa darating na mga araw o hanggang Setyembre.
@@