-- Advertisements --

Nangunguna pa rin sa Pulse Asia survey si dating House Speaker Alan Peter Cayetano kahit pa wala itong isinasagawang motercade o ginagamit na mga printed materials sa kanyang pangangampanya sa para sa kanyang pagtakbo bilang senador sa nalalapit na halalan.

Nabatid mula sa naturang survey, na inilabas ngayong Abril 6 na si Cayetano ay nakakuha ng 56.4 percent na boto mula sa mga participants.

Ito ay 1.4 percent na mas mataas kumpara sa nakuha naman niya sa survey na inilabas noong Pebrero.

Nabatid na sa latest survey ng Pulse Asia, na isinagawa noong Marso 17 hanggang 22, nasa 2,400 Pilipino edad 18 pataas ang lumahok.