-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano sa mga tao na kanya umanong nasaktan sa nakalipas na buwan habang nangangampanya sa pagiging House Speaker.
Hindi na binanggit ni Cayetano kung sino sino ang sinasabing nasaktan niya sa pagtakbo.
“Sa mga na-offend ko din, humihingi din ako ng paumanhin,” ani Cayetano.
Magugunitang lumutang ang ulat kamakailan na nakatanggap umano ng “veiled threats” si presidential daugter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa kongresista.
Sa kanyang pag-upo bilang House Speaker, nangako si Cayetano na gagawa siya ng hakbang para matuwid at maayos ang kanyang relasyon sa mga tao na sinasabing natapakan niya sa pagkampanya bilang lider ng Kamara.