Hinimok ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Cardinal Pablo Virgilio David ang mga Pilipino na isama sa panalangin ang tuluyang paggaling ni Pope Francis.
Ito ay kasabay ng patuloy na pagpapagaling ng Santo Papa mula sa respiratory infection.
Apela ni Cardinal David sa mga mananampalatayang Katoliko na ipanalangin ang paggaling ni Pope Francis at tuluyang pagkaka-recover mula sa kaniyang iniindang sakit.
Hinimok rin ni Apostolic nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown ang mga Pilipino na ipanalangin ang agarang paggaling ng Holy Father.
Ipinapanalangin din ng arsobispo ang mga doctor at mga nurse na patuloy na nag-aalaga sa Santo Papa.
Batay sa inilabas na pahayag ng Vatican, nananatiling maayos ang kalagayan ng Santo Papa habang nananatiling naka-confine sa Gemelli hospital sa Rome.
Una siyang na-admit sa naturang ospital nitong nakalipas na lingo dahil sa bronchitis ngunit kinalaunan ay na-develop ito bilang pneumoniya sa kaniyang dalawang baga.