CAGAYAN DE ORO CITY – Handang i-aatras ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kanilang ipinasok na investments sa mga pribadong kompanya at financial institutions na mapatunayan na nasa likod ng malawakang pagsira ng inang kalikasan ng bansa.
Ito ang kabilang sa mga binanggit na pasado na resolusyon na napagsang-ayunan ng mga arsobispo na dumalo sa 128th CBCP plenary assembly sa Cagayan de Oro noong nakaraang linggo.
Sa pagharap ni CBCP President at Caloocan City Archbishop Pablo David,D.D na patunay ito sa nauna nila na integral ecology committment na bahagi ang simbahan na magbigay proteksyon sa kapaligiran laban sa lahat ng environmental destructive activities.
Ito ang dahilan na hinamon ng CBCP bishops ang kanilang mga sarili na patunayan ang nakasaad sa resolusyon na putulin na nila ito hanggang taong 2025.
Maliban sa pag-distansya sa mga kompanya na maaring dahilan ng pagsira ng kalikasan ay naipasa rin ang resolusyon na pinagbawalan na ang lahat ng mga obispo na tumanggap ng anumang mga donasyong-pera mula financial institutions at mga kompanya.
Bagamat nakahanda rin ang CBCP na tutulong laban sa plastic pollution at suportahan ang ecological waste management efforts ng gobyerno at ibang non-government organizations.