-- Advertisements --
Nananatiling hindi nagbabago ang katayuan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa usapin ng panukalang divorce.
Sa inilabas na Pastoral Letter ni Kalookan Bishop at CBCP president Pablo Virgilio David na hindi nagbabago ang paniniwala ng simbahan laban sa divorce.
Wala aniya sa posisyon ang simbahan na diktahan ang estado kung ano ang nararapat sa Pamilyang Pilipino.
Ipinagdarasal na lamang nila ang mga mambabatas na nagsusulong ng nasabing panukalang batas na sana sila ay maliwanagan.