-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi ito tatanggap ng mga donasyon mula sa mga pulitiko, lalo na ang mga may negosyong sangkot sa “destructive industries”.

Kabilang sa mga naturang industriya ang mga proyekto ng karbon at fossil gas, pagtotroso, pag-quarry, at mapanirang pagmimina.

Idinagdag ng grupo na nais nitong makakita ng kandidatong magbibigay pansin sa kapaligiran sa 2022 polls, kahit na sinabi nilang hindi sila mag-eendorso ng sinumang kandidato.

Sinabi ni CBCP president and Caloocan bishop Pablo Virgilio David sa isinagawang 123rd CBCP Plenary Assembly na ang pagtanggap ng donasyon sa mga politiko ay isang madamdaming paksa at lalo na ang mga pulitiko sa kapangyarihan.

Hindi rin hinihikayat ng CBCP ang mga negosyanteng sangkot sa mga industriyang nakakaapekto sa kapaligiran na mag-abuloy sa Simbahan.

Dahil sa mga problema sa kapaligiran, hinimok ni David ang publiko na maging mapagbantay sa mga industriyang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources.