-- Advertisements --

Hinikayat ng simbahang Katolika ang gobyerno na humingi na ng tulong sa ibang bansa para agad na makabangon ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Cagayan, Bicol region at iba pang lugar.

Sinabi ni Fr. Antonio Labiao, Caritas’ executive director, na hindi kaya ng bansa na mag-isa na tulungan ang mga nasalanta ng bagyo kaya nararapat na humingi na ng tulong mula sa ibang bansa.

Patuloy din aniya ang ginagawa nilang rescue effort sa pamamagitan paghingi ng tulong sa bawat diocese para maibigay sa mga nasalanta ng bagyo.

Halos lahat ng simbahan din sa Tuguegarao nasalanta ng nagdaang bagyo.

Pinasalamatan din ng Catholic Bishops Conference of the Philippines si Pope Francis dahil sa pagpaparating ng dasal sa mga nasalanta ng bagyo.

Isinagawa ng Santo Papa ang pahayag sa Angelus address noong Linggo sa solidarity sa southeast Asian nation.

Bukod sa mga nasalanta ay ipinagdarasal din ng Santo Papa ang mga nagbibigay ng tulong para agad na makabangon ang mga nasalanta ng bagyo.

POPE FRNACIS