-- Advertisements --
Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang gobyerno na muling ipatupad ang deployment ban ng mga Filipino workers sa Kuwait.
Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP -ECMI) na hiniling nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ipatupad ang memorandum of agreement na pinirmahan ng dalawang bansa.
Dapat tiyakin ng gobyerno na tuluyang masampahan ng kaso ang responsable sa panggagahasa sa isang Pinay worker.
Malinaw aniya na ang pinakahuling kaso ng pang-aabuso sa Pinay ay isang paglabag sa nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa.
Magugunitang sinampahan na ng kaso ang 22-anyos na suspek na si Fayed Naser Hamad Alajmy.