-- Advertisements --
Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalataya na sabay-sabay na dasalin ang “Lord’s Prayer” sa Miyerkules dakong ala-7:00 ng gabi.
Sinabi n Father Marvin Mejia, CBCP Secretary General, ito ang naisip na isa pang paraan ni Pope Francis para malabanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Inanunsiyo rin ng Santo Papa na pangungunahan niya ang moment of prayer na “sagrato” sa St. Peter’s Basilikca.
Ang nasabing seremonya ay kinabibilangan ng pagbabasa ng scripture, prayer of supplication at adoration of the Blessed Sacrament.