-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang panawagan ng ilang opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na sundin pa rin ang ipinapatupad na minimum health protocols kapag dumadalo sa mga misa.

Ito ay kahit na ginawang 50 percent na ng gobyerno ang kapasidad ng mga dadalo sa bawat misa simula Pebrero 15.

CHURCH MANILA CATHEDRAL

Sinabi ni Father Jerome Secillano ang public affairs committee ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), dapat huwag magpakumpiyansa hangga’t nasa panahon pa rin ng pandemya.

Ipinaliwanag pa rin nito na mahalaga ang pagdalo sa misa dahil ito ang isa sa mabisang paraan para matapos na ang COVID-19.

Magugunitang bukod sa pagdagdag ng bilang sa mga dadalo ng misa ay bubuksan na ng gobyerno ang ilang negosyo gaya ng sinehan, museum, tourist spots at mga parke para makabawi ang ekonomiya.