-- Advertisements --
Nananawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng pagdarasal ng “oratio imperata” dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue at leptospirosis.
Sinabi ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, isa ang pagdarasal para agad na mapawi at gumaling ang mga nadapuan ng nabanggit na virus.
Ang dasal ay sasambitin simula Setyembre 1 bago matapos ang misa.
Nauna rito inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na mayroon 600 na ang nasawi sa dengue kung saan marami na ring lugar sa bansa ang nasa state of calamity, habang mayroong 113 ang nasawi sa leptospirosis.