-- Advertisements --

Inilunsad na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkilala sa 21st-century martyrs.

Ayon kay Monsignor Bernardino Pantin, CBCP Secretary General, na mismo si Pope Francis ang nag-atas sa mga obispo para kilalanin ang martyr na isinakripisyo ang buhay para isulong ang aral ng simbahan.

Nakipag-ugnayan na ang CBCP sa iba’t-ibang simbahan, religious congregatioins at iba’t-ibang commissions para tumulong sa pagkuha ng mga datus ng Filipino o foreign missionaries na pinatay dahil sa kanilang paniniwala.

Isusumite ang listahan sa 2025 kasabay ng Jubilee year.

Paglilinaw nito na hindi lamang limitado ito sa mga Katolika pero sa lahat ng mga Christians by Confessions.