Ipapaubaya na ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga iba’t -ibang kura paroko sa pagpapatupad ng mga health protocols sa pagsisimula ng tradisyunal na simbang gabi.
Ayon kay CBCP spokesman Fr. Jerome Secillano, na bawat simbahan ay may mga patakaran silang ipinapatupad na naaayon sa health protocols ng Inter-Agency Task Force for Infectious Disease (IATF).
Sa kasalukuyan kasi ay nasa 30 percent lamang na populasyon ng simbahan ang papayagang makadalo sa misa.
Inihalimbawa nito ang misa na gaganapin sa Quiapo Church na mayroon alas-4:00 ng umaga hanggang alas-6:30 simula Disyembre 16 habang mayroong anticipated mass na magsisimula alas-6:00 ng gabi, 7:15 pm at 8:30 pm simula Disyembre 15.
Mayroon din aniyang anticipated mass sa Liwasang Bonifacio na malapit sa Manila City Hall ng alas-8:00 ng gabi.
Ang nasabing options aniya ay para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga dadalo sa mga misa.
Nakikipagtulungan din aniya sila sa iba’t ibang local government unit na magpapatupad ng social distancing sa loob ng mga simbahan.