-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines ang nangyaring komosyon sa pagitan ng isang obispo at pari sa St Joseph Parish na matatagpuan sa Gagalingin, Tondo.
Ayon kay CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan nina father Alfonso Valeza at Novaliches Bishop Antonio Tobias.
Ikinagalit umano ng pari dahil ito ay tinanggal sa parokya matapos ang pagkontra nito sa mga nagaganap kurapsyon sa mga pari.
Ipapalit sana si Tobias na mamuno sa simbahan subalit nagwala umano ang Pari at sinabing sinakal siya ng obispo.
Pinayuhan na lamang CBCP si Valeza na sumailalim sa reconcillation.