-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na may iniindorso silang kandidato sa pagka-senador.

Ayon kay CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles na mahigpit nilang pinagbabawalan ang mga pari at obispo na mag-endorso ng kandidato.

Patuloy din ang panawagan nito sa mga mamamayan na bumoto ng tama.

Ibinahagi din nito na ang mga pipiliing kandidato ay yung may takot sa diyos at hindi nasangkot sa anumang uri ng kurapsyon.