-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi panganib ang dala subalit mayroong malaking tulong sa kabuuan na perspektibo ang paglutang ng ‘Artificial Intelligence’ na ginamit ng maraming malaking mga kompanya sa ilang bahagi ng mundo sa kasalukuyang panahon.

Ito ang pina-simple na pagpapaintindi ng Catholic Bishops Confercence of the Philippines patungkol sa nahahati na pananaw at paninindigan ng publiko kung nararapat bang bigyang-daan ang AI technology partikular sa loob ng labor working force ng bansa.

Sinabi ni CBCP chairman on Episcopal Commission on Social Communications Bishop Marcelo Antonio Maralit Jr,D.D na maging si Pope Francis ay hindi tutol sa AI technology participation sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao.

Katunayan,mismo ang CBCP ay magsagawa ng National Catholic Social Communications Convention na sumi-sentro ang tema sa AI sa Agosto 5-8 nitong taon.

Iimbitahan rin nila ang ilang technology experts mula sa ibang bansa upang mas mabigay linaw kung alin ang matimbang na dulot ng AI para sa buhay ng tao.