-- Advertisements --
Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng pagsasagawa ng collective prayer for healing para tuluyan ng matapos ang coronavirus pandemic.
Kasabay nito hinikayat nila ang mga mananampalataya na samahan silang magdasal ng 10 “Hail Mary” sa lahat ng mga Catholic schools, seminaries, parishes at komunidad.
Isasagawa ang pagdarasal tuwing alas-12:00 ng tanghali mula Agosto 15 ang Solemnity of the Assumption hanggang Setyembre 15 sa kapiyestahan ng Our Lady of Sorrows.
Inilabas ang nasabing pastoral message on COVID-19 ng bishops’ Commission on Seminaries and the Commission on Catechesis at Cahtolic Education.