Magsasagawa ng eleksyon ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa susunod na Linggo.
Inaasahan ng CBCP na dadalo ang nasa 130 na mga aktibo at retiradong mga miyembro nila sa virtual plenary assembly.
Pangungunahan ni Archbishop Romulo Valles ng Davao at kasalukuyang CBCP president ang dalawang araw na pagpupulong na magsisimula sa Hulyo 8.
Magtatapos na kasi ang kaniyang dalawang taon termino sa apat na taon.
Sinabi ni Monsignor Bernardino Pantin, CBCP secretary general, na pipili sila ng bagong treasurer at chairman ng iba’t commissions of the episcopal conference.
Pormal na uupo sa kanilang mga puwesto ang bagong halal na opisyal ng CBCP sa Disyembre 1.
Sa kasalukuyan ay mayroong 87 na aktibong obispo, dalawang diocesan administrators at 41 honorary members.