Magsasagawa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng ika-124 plenary assembly.
Ang unang face-to-face meeting ng mga obispo sa bansa matapos ang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic ay isasagawa mula Hulyo 9 hanggang 11 sa isang retreat center sa Tagaytay City.
Inaasahan na mahigit 90 mga obispo sa buong bansa ang dadalao sa ikalawang pagpupulong ng mga obispo.
Una kasing isinasagawa ang mga pagpupulong ng mga obispo tuwing Enero.
Ayon kay Msgr. Bernardo Pantin, CBCP Secretary-General, isa sa mga kanilang tatalakayin ay ang katatapos na May 9, local and national elections.
Kasama rin sa pagpupulong ang grupong Halalang Marangal Coalition at ang Parish Pastoral Council fo Responsible Voting o (PPCRV).
Ang nasabing conference ay binubuo ng 86 aktibong obispo, 41 honorary members na mga retiradong obispo at dalawang diocesan administrator.