May pagdududa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa isinusulong na panukalang online wedding.
Sinabi Fr. Jerome Secillano, executive secretary of CBCP, na maraming mga Filipino pa rin ang hindi pa rin tanggap ang nasabing bagong paraan ng pagpapakasal.
Wika pa nito na hindi minamadali ang pagpapakasal at baka sa nasabing online wedding ay mawawala na ang tinatawag na Filipino tradition.
Magugunitang isinusulong ni Kabayan partylist Representative Ron Salo ang House Bill 7042 ang pagsasagawa ng virtual wedding.
Sinabi ng mambabatas na sa nararanasang coronavirus pandemic ay maraming mga kasal ang hindi natuloy o ipinagpaliban.
Dagdag pa nito na hindi pa rin mawawala ang kaugalian ng nasabing kasal kung saan mayroong personal dadalo ang magsasagawa ng seremonya at sila ay ay may lalagdaan din na marriage contract.
Nakasaad din sa panukalang batas na ang mga kasal ng mga Filipino sa ibang bansa ay puwedeng gawin ng mga consul-general o vice-consul ng Pilipinas.
Magugunitang isinabatas na ng Singapore ang virtual weddings noong Mayo 5.