-- Advertisements --
Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong senador na gumawa ng batas na makakabuti sa bansa.
Sinabi ni Rodolfo Diamante, executive secretary ng Commission on Prison Pastoral Care ng CBCP, na dapat ang mga batas tumatalakay sa pagresolba ng mga problema sa bansa.
Dagdag pa nito na sila ay hinalal ng mga tao para magtrabaho sa kapakanan ng karamihan at hindi para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Isang tinukoy dito ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan dahil sa karamihan sa mga bagong halal na senador ay mga inidorso ng pangulo.