Itinakda ng Catholic Church sa Pilipinas ang Dec. 25 at Dec. 26 bilang national days of prayer bilang pag-aalay ng panalangin sa mga pamilya na naapektuhan ng typhoon Odette.
Nanawagan ngayon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng mga dioceses na ialay ang araw ng kapaskuhan at sa darating na Sabado para sa panalangin na agad na makarekober ang mga kumunidad na sinalanta ng kalamidad.
Inatasan din ang mga simbahan na magsagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Christmas Day at sa susunod na araw para ibigay ito sa mga typhoon victims.
Ayon kay Bishop Pablo Virgilio David ng Kalookan City at CBCP presidente ang hakbang na ito ay tatawaging “Alay Kapwa Solidarity Fund” na siyang gagamitin ng simbahan sa nagkakaisang emergency response.
Sinasabing maging ang ilang mga tanggapan ng Simbahan na Caritas sa halos 10 dioceses sa Visayas at Mindanao regions ay labis ding naapektuhan ng nagdaang bagyo.
“We encourage everyone to remit all collections to Caritas Philippines that will then plan and implement our overall response,” ani Bishop David. “May this season of giving offer us more opportunities to do consistent acts of Alay Kapwa (offering of oneself).”