Naghihintay pa rin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa desisyon ng Inter-Agency Task Force tungkol sa hiling nila na panunumbalik ng mga misa.
Nauna ng nakipagpulong sa IATF si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na siyang kumatawan kay CBCP President Romulo Valles para pag-usapan ang nasabing kahilingan ng Simbahang Katolika.
Magugunitang hindi sang-ayon si Manila Administrator Bishop Broderick Pabillo sa guidelines ng IATF na papayagan ang pagsasagawa ng misa sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) basta hanggang 10 tao lamang ang dadalo.
Dagdag pa nito na hindi magiging praktikal ang nasabing kautusan kung saan handa ang simbahan na magpatupad ng social distancing at paglalagay ng mga hand sanitizer para hindi kumalat ang mga virus.