-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 06 19 39 46
CBCP president Bishop Romulo Valles

Naglabas nang panuntunan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa Lenten Season o mahal na araw para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay CBCP president Bishop Romulo Valles, sa Ash Wednesday sa Pebrero 26 ay maaaring ipatak na lamang ang abo imbes na sa tradisyunal na pagpapahid.

Sinabi nito na ginagawa na noon pa ang nasabing pagpatak ng mga abo at hindi na ito bago.

Kapag Biyernes Santo o ang pagdiriwang Passion of the Lord, ipinayo ng CBCP na iwasan na lamang ng mga mananampalataya na humalik o hawakan ang cross.

Maaari na lamang magdasal o tumungo na lamang.

Ito na ang pangalawang kautusan ng CBCP para sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19 na ang una ay ang pagtanggap na lamang sa kamay ng ostiya tuwing ginaganap ang komuniyon sa misa.