-- Advertisements --
Naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng espesyal na dasal o Oratio Imperata para sa kapayapaan sa nararanasang tensiyon sa West Philippine Sea.
Ang nasabing dasal ay inaprubahan noong isasgawa ang 128th CBCP Plenary Assembly.
Dadasalin aniya ito hanggang sa Enero 1, 2025 kasabay ng pagdiriwang ng World Day of Peace.
Ang nasabing dasal ay isasagawa tuwing may misa o maaring dasalin ng bawat indibidwal.
Una ng hinikayat ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na magdasal ng rosaryo para tuluyang maibsan ang ginagawang pananakot ng China sa mga mangingisda sa West Philippine Sea.