Nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanaw ni Commission on Human Rights (CHR) chief Chito Gascon.
Nagkaroon kasi ng kumplikasyon sa kaniyang kalusugan bunsod ng COVID-19 ang 57-anyos na si Gascon noong Oktubre 9.
Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang incoming president ng CBCP, isang malaking kawalan sa CHR si Gascon.
Itinuturing naman ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi lamang matapang si Gascon dahil ito ay naninindigan para labanan ang panunupil, intimidation at karahasan ng mga namumuno.
Namuno sa CHR si Gascon noong 2015 sa ilalim ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Mahigit tatlong dekada na itong lumalaban para sa karapatang pantao, demokrasya at sa maling pamumuno sa gobyerno.