Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni retired Archbishop Angel Lagdameo, ang dating presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Una nang kinumpirma ng Archdioceses ng Jaro, iloilo ang pagpanaw ni Lagdameo kaninang alas-8:30 ng umaga.
Sa statement ng CBCP nananawagan ito ng panalangin at isama rin sa mga misa.
Si Lagdameo ay nagsilbi bilang CBCP president mula December 2005 hanggang December 2009.
Bago nito, nagsilbi rin siyang CBCP vice president ng dalawang termino.
Ang arsobispo ay dati na ring naging chairman ng Office of Laity ng Federation of Asian Bishops’ Conferences.
Nagsilbi rin siyang chairman ng Episcopal Commission on the Laity mula 1990 hanggang 2000.
Taong 208 nang tanggapin naman ni Pope Francis ang resignation letter ni Lagdameo sa edad noon na 77-anyos.