Taimtim na pagdarasal mula sa publiko ang panawagan ngayon ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa isa sa kanilang mga social media accounts dahil sa nananatiling kritikal na kondisyon ni Pope Francis simula pa noong Pebrero 14.
Ayon naman sa pahayag ng Vatican, ang kondisyon nmi Pope Francis ay nangangahulugan aniyang nananatili sa masamang lagay at patuloy na nakakaranas ng asthma-like respiratory crisis ang Santo Papa na siyang nangangailangan ng high-flow oxygen.
Ang mga resulta din aniya ng blood tests ni Pope Francis ay nagpapakita na kulang sa dugo o may anemia ang Papa at nangangailangan ng agarang blood transfusions.
Nananatili naman umanong alerto si Pope Francis at namamahinga sa kaniyang armchair at mas komportable kumpara noong mga naunang araw.
Samantala, patuloy sa panghihikayat si Cardinal Pablo Virgilio David at ng ilan pang lider ng simbahang Katoliko sa publiko na ipagpatuloy ang kanilang pagdarsal para sa mas maayos na kalagayan ng Santo Papa.