Sumama na rin ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa dumaraming grupo na nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto na lamang nito ang anti-terrorism bill.
Ayon sa CBCP Committee on Basic Ecclesial Communities (CBCP-CEC) naglalalman ang nasabing panukalang batas ng probisyon na lumalabag sa karapatang pantao.
Ilan sa tinukoy dito ay ang pagbibigay ng karapatan sa mga militar o sinumang law enforcement agent na basahin o panghimasukan ang mga pribadong mensahe ng kanilang pinaghihinalaang terorista.
Nauna rito sinabi rin ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na naglalaman ang nasabing panukalang batas ng probisyon na lumalabag sa konstitusyon.
Magugunitang tiniyak ni presidential spokesperson Harry Roque na pag-aaralang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukalang batas bago ito tuluyang pirmahan.