-- Advertisements --

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng mga dioceses sa bansa na makilahok sa obserbasyon ng “International Day of Conscience” sa darating ng Hunyo 16.

Ayon kay CBCP President Pablo Virgilio David, na naglabas na sila ng circular ukol sa nasabing usapin kung saan opisyal na kinilala ni Pope Francis ang nasabing araw.

Nagbunsod ang nasabing obserbasyon mula sa desisyon ni Portuguese diplomat Aristides de Sousa Mendes ng tulungan niya ang mga Hudyo at persecuted individuals sa Nazi-occupied na France.

Noong Hunyo 17, 1940 ay binigyan ni Mendes ang mga ito ng visa para makalabas sa bansa.

Dagdag pa ni David na dapat magkaisa ang lahat ng mga mananampalataya dahil ito ay mahalagang pagkakataon ng moral at spiritual journey.

Ipinapatuon ni Pope Francis ang obserbasyon ngayong taon sa banta ng nuclear weapons.

Kada taon ay kinikilala ng United Nations ang International Day of Conscience sa Abril 5 pero ngayon taon ay sa Hunyo 16 habang sa susunod na taon ay sa Linggo na malapit sa Abril 3 at 5.