-- Advertisements --
Nanawagan ang Catholic group na Couples for Christ (CFC) sa gobyerno na huwag ng ipasa ang absolute divorce bill.
Handa rin aniya sila na magsagawa ng people’s initiative para mapawalang bisa ang nasabing batas kung ito ay naipasa na.
Sinabi ni CFC spiritual adviser Fr. Joel Jason, na pinapayagan ng Simbahang Katolika ang legal na paghihiwalay subalit ito ay hindi pinapayagan ang mga indibidwal na magpakasal muli.
Maari aniya silang mabuhay ng hiwalay subalit ang kasal nila ay mananantili.
Sa panig naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na dapat ang mga gobyerno ay magbigay ng tulong sa mga babae na biktima ng pang-aabuso at napapanahon na ma-amyendahan ang Family Code of the Philippines.