Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng hustisya at tamang compensation sa mga biktima ng oil spill sa Oriental Mindoro.
May kaugnayan ito sa unang anibersaryo ng paglubog ng MT Princess Empress na nagdulot ng malawakang oil spill.
Ayon sa CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace and Caritas Philippines, na hindi pa nakakakuha ng hustisya ang mga residente doon na biktima ng oil spill.
Mararapat na mabigyan ng sapat na kumpensasyon sa mga mangingisdang apektado doon.
Mula kasi ng maganap ang oil spill ay nawalan ng pagkakakitaan ang mga mangingisda doon.
Umaasa sila na matugunan na ng gobyerno ang kaukulang hakbang para hindi na maapektuhan ang Verde Island Passage sa Batangas na naabot ng oil spill mula sa Mindoro.