Nanawagan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na sabay-sabay na pagpapatunog ng kampana sa lahat ng simbahan mamayang alas-3 ng hapon.
Sinabi ni CBCP President Romulo Valles, na ang pagpapatunog ng kampana ay senyales na ng pagsisimula ng televised interfaith prayer na inorganisa ng gobyerno.
Dagdag pa ni Valles na mahalaga ang pagkakaisa ng mga mamamayan para tuluyang malampasan ang nararanasang krisis dulot ng coronavirus pandemic.
Ang prayer actibidad ay pinangunahan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Kasama rin sa interfaith prayer ang Chaplain Services of the Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangunguna ni Bishop Oscar Florencio ng Military Ordinariate of the Philippines.
Nauna rito nananawagan sa sambayanan si Pangulong Rodrigo Duterte ng sabay-sabay na pagdarasal ngayong hapon ng Miyerkules Santo.