-- Advertisements --

Nanawagan naman ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang pagdarasal para sa mabilisang paggaling ni retired bishop ng Diocese ng Kalookan na si Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez matapos na dapuan ng coronavirus.

Kinumpirma mismo ni Bishop Pablo Virgilio David na nasa pagamutan na si Iniguez at ito ay nagpapagaling na.

Ang 79-anyos na si Iniguez ay siyang pangalawang mataas na opisyal ng simbahang katolika sa bansa matapos na dapuan rin na COVID-19 si Bishop Broderick Pabillo ang apostolic administrator at auxiliary bishop ng Archdioces ng Maynila.

Masayang ipinamalita naman ni Pabillo na ito ay gumaling na sa COVID-19 matapos na ito ay nag-isolate ng 14 na araw.