-- Advertisements --
Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na huwag mawalan ng pag-asa lalo na sa mga hamon na kinakaharap ng bansa ngayon.
Sa inilabas na pastoral letter , tinalakay dito ang ilang mga problema gaya ng kuwestiyonable sa adjustment ng national budget, pamamayagpag ng political dynasties, matitinding kalamidad dahil sa climate change, kahirapan, inflation at pagpapakalat ng disinformation.
Ang nasabing mga problema ay tila isang sugat na umiistorbo na nagreresulta sa hindi pagiging kalmado ng isang tao.
Nanawagan din si CBCP president Bishop Virgilio Cardinal David sa mga kabataan na piliin ang katotohanan at itaguyod ang kabutihan at ang pagsunod sa batas.