-- Advertisements --
Nanawagan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na maging mapagmasid sa mga inmates na inilalabas ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care Executive Secretary Bro. Rudy Diamante, na dapat matiyak na ang mga napapalaya o nabibigyan ng ‘second chance’ ay yung mga nararapat na inmates.
Umapela din ito sa kanilang Parole and Probation Administration na mahigpit na i-monitor ang mga lumalaya.
Ang nasabing apela ay kasunod ng anunsiyo ng BuCor na mayroong halos 2,000 mga convicted inmates ang mapapalaya dahil sa ipinapairal na good conduct time allowance (GCTA).