-- Advertisements --
Nanindang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kontra sila sa divorce law sa bansa.
Sinabi ni CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano na ang nasabing batas ay isang pagtatakwail sa mandato nila na pahalagahan ang kasal at pamilya.
Tinawag pa nito na ang nasabing batas bilang anti-family, anti-marriage at anti-children.
Giit pa nito na ang divorce ay hindi solusyon sa pagsasama na nahaharap sa malaking hamon.
Mayroon aniyang mga remedyo sa mga pagsasama na may problema.
Magugunitang mayroong kabuuang 131 na mambabatas ang pumabor sa batas habang mayroong 109 ang kumontra habang 20 ang nag-abstain.
Giit ng mga mambabatas na pumabor sa batas na ito ay maiiwas sa mga pananakit sa mga kababaihan.