-- Advertisements --

Nasa ligtas na kalagayan ang isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na kasamang naaksidente sa Mount Sinai sa Egypt.

Nakalabas na sa pagamutan si CBCP secretary general Father Marvin Mejia, ilang araw matapos ang naganap na bus accident.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ipinaabot ni Fr. Jan Limchua ng Apostolic Nunciature sa Cairo ang naging kalagayan ni Mejia.

Una rito, naaksidente ang 13 mga turista nang bumangga ang kanilang sinakyang bus nitong nakaraang Martes sa Saint Catherine Monastery sa Mount Sinai.