-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mamamayan na maglagay ng community pantry.
Ito ay para matulungan ang maraming hirap sa buhay na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ikinagalak din ng CBCP na mayroong ilang mga simbahan na rin ang nagtayo ng kanilang sariling community pantry.
Magugunitang parang kabuteng nagsulputan na ang community pantry matapos na simulan ito ng isang grupo sa Maginhawa Street sa Quezon City.