-- Advertisements --
Pinayuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga dadalo sa mga misa na iwasan ang maghawak kamay tuwing aawit o magdarasal.
Ito ang nasabing paraan para maiwasan ang pagkalat ng bagong novel coronavirus.
Inirekomenda rin ng CBCP na kapag tatanggap ng communion ay gawin na lamang ito sa kamay para maiwasan ang anumang pangamba ng pagkalat ng virus.
Dapat rin aniya na regular na palitan ng bawat simbahan ang mga nakalagay na Holy Water sa Holy Water Fonts at maglagay din ng mga protective cloth sa mga grills ng confessionals.