-- Advertisements --
Binati ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president Bishop Pablo Virgilio David ang mga kabataan na lalahok sa World Youth Day sa Lisbon, Portugal mula Agosto 1 hanggang 6.
Sinabi nito na ang nasabing event ay isang paraan para sa mga kabataan para mapalapit ang turo ng katolismo.
Pagkakataon din ito para malapitan si Pope Francis.
Ginaganap ito tuwing tatlong taon kung saan noong 2019 ay ginanap sana ito sa Panama subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay inilipat na lamang ito ngayong taon.
Aabot sa mahigit 600, 000 na mga kabataan, pari at mga obispo ang dadalo sa nasabing okasyon.