-- Advertisements --
Isinentro ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo Virgilio David ang kahalagahan ng pagbibigayan ngayong Pasko.
Sinabi nito na walang nilikha ang Diyos na masama at lahat ng tao ay mabuti.
Kahit anumang hamon aniya sa buhay ay mahalaga ang pagkakaroon ng mahabang pasensiya para mamuno ang kabutihang loob.
Ibinahagi rin nito ang pagpasya ni Pope Francis na bigyan ng basbas ang mga nagsasama ng parehas na kasarian na mayroon aniya silang karapatan para mabigyan ng pagtanggap ng basbas mula sa Itaas.