-- Advertisements --

Nanawagan si Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president at Kalookan bishop Cardinal Pablo Virgilio David sa kapwa lider ng Simbahang Katolika na maging transparent.

Pinangunahan ni David ang Seminar on Transparency and Accountability sa Simbahan na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang tatlong araw na seminar ay isinagawa bago ang 129th plenary assembly ng CBCP bilang bahagi ng pag-implementa at rekomendasyon mula sa Synod on Synodality.

Binigyan nito ng halaga ang responsibilidad ng simbahan na maging ehemplo sa pagpapalaganap ng transparency hindi lamang sa mga pari at maging sa lahat ng mga mananampalataya.