Kabilang si Kalookan Bishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Virgilio David sa 21 napili ni Pope Francis na maging bagong cardinals ng Simbahang Katolika.
Isinagawa ng Santo Papa ang anunsiyo sa kaniyang misa a Vatican.
Isasagawa ang installation ng bagong talagang cardinals o tinatawag na consistory sa darating na Disyembre 8 bago ang pagbubukas ng Jubilee Year ng 2025.
Ito na ang pang-10 na consistory na isinagawa ng Santo Papa sa loob ng 11 taon niyang panunungkulan.
Mula pa noong 2016 ay naging obispo na ng Diocese of Kalookan na galing sa pagiging auxiliary bishop ng Archdiocese ng San Fernando sa Pampanga.
Taong 2019 ng makuha ni David ang suporta ni Pope Francis dahil sa natatanggap nitong mga banta sa buhay mula sa pagbabatikos niiya sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isinilang siya sa Betis, Guagua sa lalawigan ng Pampanga si David na naging kilalang Bible scholar.
Nakamit nito ang licentiate at doctorate sa Sacred Theology mula sa Catholic University of LouvainsavBelgium at bachelor’s degree sa Pre-Divinity mula Ateneo at master’s degree sa Theology sa Loyola School of Theology.
Ang 65-anyos na si David ay siyang pang-10 Filipino cardinal ito ay kinabibilangan nina: Jose Cardinal Advincula, archbishop of Manila; Luis Antonio Cardinal Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization at dating archbishop ng Manila; Gaudencio Cardinal Rosales, dating Archbishop ng Manila; Jaime Cardinal Sin, dating archbishop ng Manila; Rufino Cardinal Santos, dating archbishop ng Manila; Ricardo Cardinal Vidal, archbishop ng Cebu; Julio Cardinal Rosales, dating archbishop ng Cebu; Orlando Cardinal Quevedo, dating archbishop ng Cotabato at Jose Cardinal Sanchez, dating prefect of the Congregation for the Clergy.
Ang mga Cardinals ay tradisyonal na tinatawag bilang “princess of the Church” na nagsisilbi bilang advises sa Santo Papa.
Pero ang pinakatrabaho nila ay ang dumalo sa conclave kung saan sila ay maghahalal ng bagong Santo Papa sakaling pumanaw o abdication na ng Santo Papa.
Bago ang kaniyang pagtatalaga ay tanging 2 sa apat na nabubuhay na Flipino cardinals ang maaaring bumuto sa conclave na sina Tagle at Advincula dahil hindi na maaaring makaboto sa conclave ang mga may edad 80 pataas.
Sinabi ni Pope Francis na ang pagtatalaga niya ng mga bagong Cardinals mula sa iba’t-ibang bansa ay nagpapakita lamang ng koneksyon ng Vatican sa iba’t-ibang mga local na diocese.