-- Advertisements --

Nanawagan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na tigilan ang pangangampanya para kay Luis Antonio Cardinal Tagle para maging susunod na Santo Papa.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano, na sakaling mapili si Tagle ay magiging negatibo ang tingin ng ibang lahi.

Baka aniya isipin nila na ang conclave ay maiimpluwensiyahan mula sa ibang grupo.
Mahalaga na irespeto na lamang ang pagiging independent ng electors.

Magandang gawin aniya ngayon ay ipagdasal na lamang si Tagle at ang ibang mga cardinal-electors.

Ang 67-anyos na si Tagle kasi ay Pro-Prefect ng Dicasery for Evangelization.

Isa siya sa mga ‘papabili’ o contender na maging Santo Papa.