Nagbabala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa publiko na babagsak ang ating bansa kung itatrato ng mga tao ang mga kalaban bilang mga bayani, at ang mga bayani naman bilang mga kontrabida.
Ipinahayag ito ng CBCP lider matapos na bahagyang harangan ng tolda sa rally ng UniTeam sa Tarlac City ang isang rebulto ng yumaong dating Senador Ninoy Aquino.
Ayon pa kay Bishop David, nagkamali raw si Aquino sa kanyang paniniwala na karapat-dapat lamang na pagsakripisyuhan buhay ang mga Pilipino kung tatratuhin lang naman aniya na masama ang alaala ng yumaong senador.
Samantala, itinanggi naman ng Tarlac City government ang mga alegasyon sinadya nito na bastusin ang alaala ni Ninoy Aquino matapos na bahagyang matakpan ng tent ng Marcos-Duterte tandem ang rebulto nito.
Magugunita na una rito ay nagpahayag na ng suporta ang CBCP president para kay presidential aspirant Vice President Leni Robredo, sa kadahilanang ayaw na raw nila na maulit pa ang malagim na nakaraan noong panahon ng martial law.