Handang tugunan ng Simbahang Katolika ang panawagan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na tumulong sa mga paggabay sa mga sambayanan na nahaharap sa mental health problems dahil sa coronavirus pandemic.
Sinabi ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, na kayang magawa yung pahayag ng DOJ basta payagan yung mga tao na makadalo sa misa.
Pagtitiyak kasi nito na mahigpit na maipapatupad sa loob ng simbahan ang social distancing.
Hindi rin kasi makakatulong kung nabibilang lamang ang pinapapasok sa simbahan.
Ibinahagi nito na bilang siya ay COVID-19 survivor ay ang pagdalo sa mga aktibidad sa simbahan ay nakakawala sa pagkabagot ng isang tao.
Sa panig naman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na mula pa noon ay kanila ng binibigyang prayoridad ang ang mental health issues.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee (PAC) secretary general Fr. Jerome Secillano, na ilan sa mga ginagawa nila ay ang mga online awareness seminars at nagbibigay din sila ng counseling sa telepono.
Nakasaad kasi sa kautusan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na hanggang 10 tao lamang ang papapasukin.
Hiniling na lamang ni Pabillo na kung maaari ay payagan ang simbahan na papasukin ang 10 porsyento ng sa kabuuang populasyon ng simbahan.
Ipinahayag ng kalihim ang nasabing kahilingan matapos na ulat na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mental problem dahi lsa COVID-19 pandemic.